About
Ako si Dave 19 years old! Taga-Malabon ako, hindi ko mailalagay kung ano ang pinag-aaralan ko sa ngayon o sa kung ano ang natapos ko dahil sa huminto ako ng pag-aaral ko ng BSBA dahil hindi ito ang course na gusto ko. Kaya ito ako ngayon halos isang taon na akong tambay sa aming bahay. Pero para hindi maging pabigat sa aking magulang dumidiskarte ako Online nagtitinda ako ng kung anu-ano sa facebook para kmita ng sarili kong pera at makapg-bigay kahit ng kaunti sa nanay ko.
Ako yung tipo ng kabataan na hindi mahilig sa mga online games o kahit ano'ng sports. Pero nanonood ako ng liga ng basketball ng mga nakakatanda kong kapatid. Hanggang "CHEER" nga lang ako dahil nga siguro na iba ako sa kanila. Ako ang bunso sa aming limang magkakapatid na puro lalaki. Teka ano ba ito Biography ko?
Anyway ginawa ko tong blog ko na to para maibahagi ko sa inyo ang aking mga karanasan sa Poverty, Personal Life at kung anu-ano pa. Dahil sa pagiging hirap namin sa buhay marami na akong na experience na dapat siguro ay hindi maranasan ng Ordinaryong Kabataan na katulad ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ako ka-malas o binibigay lang ito ng panginoon sa akin upang magsumikap ako sa aking pamumuhay?!!!
Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you."
Deuteronomy 31:6
Subscribe to:
Comments (Atom)