Pages

Sunday, January 16, 2011

The Key









                         Firts year ako nung mangyari ang hindi ko inaasahan. Si mama ay isang manikurista sa lugar namin ay mayroong mag-kaibigan na babae ang nagta-trabaho sa isang Club o sa madaling salita sila ay G.R.O. naging regular customer sila ng mama ko.Hanggang sa isang araw ay pumunta ako roon sa kanila para humingi ng baon sa mama ko upang pumasok na sa school ng maka-uwi na ako galing school kina-usap ako ni mama ang sabi ng mama sa akin ay "Bunso sabi ng ate Rose mo gusto ka nila tulungan pero may kapalit parang ikaw ang magiging "BOY" nila kasi nga wala pa sila masyadong ka kilala dito sa atin".  Ito naman ay malugod kong tinanggap dahil inisip ko na rin na ito ay makaka-tulong sa akin kahit  papaano. 

Hanggang sa maganda ang pakiki-tungo nila sa akin at ganun din naman ako sa kanila. Naglilinis akong bahay nila, naghuhugas ng plato, inuutusan at kung ano pang pwede kong gawin. Actually may time na darating ako sa bahay nila na minsan ay naka-bukaka yung isa na may regla pa ang panty (balatuba sa katawan) o dahil sanay na rin siya sa ganun dahil sa trabaho nila. Minsan sinasama nila si mama sa club nila upang maging ward drobe nila.Ilang gabi rin nila na isama ang mama. Hindi na rin kasi kinaya ni mama ang nakikita niya sa loob ng club. Nakikita niya na minsan ay sumisirko si ate Rose ng walang panty at minsan ay kinikiskis pa raw nito ang kanyang dibdib sa mga lalaking customer. Si ate Rose ay may asawa at may ampon na batang babae. 

Ilang buwan rin ako nag-tagal sa kanila. Hanggang sa dumating yung time na kailangan mag-bakasyon ni ate rose kasama ang kanyang ina, kaibigan at ang kanyang ampon. Sa madaling salita ako na lang ang naiwan at ang kanyang asawa. Eh ang asawa niya ay barkada ng mga kuya ko sila rin ay magba-bakasyon sa Zambales ata yun.Ganito naang eksena!Noong paalis na sila ay kasama niya ang kuya ko sa taas nila upang bumaba na at para umalis at nakita ng kuya ko na yung susi na yun ang ginamit niya sa pag-lock ng pinto.Madaling sabi na i-lock na niya ang pinto sa tamang susi nito at nung malapit na sila bumaba ay biglang sinabi ng asawa ni ate ni rose na may naka-limutan raw siya sa taas at sa pagkakataon na yun ay hindi na sumama ang aking kuya at ang sinabi na lang niya ay hihintayin na lang niya ito sa ibaba. 

Hanggang sa paalis na sila iniabot nito ang susi sa kuya ko upang ibigay sa akin. Pero nung araw na yun ay hindi na ako pumunta sa apartment nila. At kung ano yung susi na binigay sa akin ng kuya ko na pina-abot niya ay ayun pa rin naman ang hawak ko hanggang sa bumaliksila kuya galing sa bakasyon nila. Noong araw na bumalik na sila ay kinuha yung susi mula sa akin na iningatan ko naman upang hindi masira ang tiwala nila sa akin. Nung kinuha na sa akin yung susi nung oras na bubuksan na ay hindi na raw ito mabuksan ng asawa ni ate Rose hanggang sa nag-desisyon siya na kunin ang Original Key sa may-ari ng apartment na kapit bahay  namin ng matagal na. Noong mabuksan na niya yung susi ay nakita niya yung banga nila na alkansya na may laman raw ng mahigit na P10000 na puro barya, kahit kailan ay hindi ko ito nakita sa kanila. Nakita niya iyon na basag at bawas na ang laman at sa oras na yun ay nagka-gulo na ang lahat. Hanggang sa nalaman na ito ng may-ari ng bahay at idinidiin niya na kung sino yung may hawak ng susi ay siya lang daw ang gagawa ng bagay na yun. Nung marinig ko yung sinabi niyang yun ay doon na naghalo-halo ang emosyon ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Umiiyak na ako noon minsan naisip ko na tumalon na lang sa terrace para matapos na ang lahat. Hanggang sa kinagabihan ay inimbitahan kami sa pulisya doon ay kina-usap ako ng pulis at isinalaysay  ko ang lahat ng nangyari ng panahon na nasa akin ang susi. At noong gabi na iyon ay dapat maide-detain ako sa headquarters actually pinasok na ako noon sa loob ng detaining area doon nakita ko na yung isang lalaki ay may kasalanang ginawa at kinulong siya ng gabi na iyon at doon ay ginalaw siya ng pinaka-mayor ng selda na yun. Kaya hindi ko na naman na  pigilan na umiyak ng mga sandaling iyon at naki-usap ang mama ko na wag ako i-detain kasi for sure once na ma-detain ako ay wala ng labasan iyon sa madaling salita ay isa na akong kriminal sa kasalang hindi ko naman ginawa. At pumayag naman yung asawa ni ate rose kasi nung time na yun si ate rose ay nasa cebu  pa rin pero alam niya na yung nangyari. 

Hanggang sa dumating na sila ate rose galing cebu. Kami ay nagka-usap sa barangay upang maisa-ayos na ang gulo na nag-dulot sa amin ng kahihiyan.Pati ang pag-aaral ko nun ay naapektuhan ilang buwan ako hindi nakapasok nun sa awa ng diyos ayun naman ay naintindihan ng aking mga guro. Sa ilang pag-uusap rin namin sa barangay ay napag-desisyunan na lang ni mama na aming babayaran ang nawalang pera upang matapos na ang lahat. Eh dahil sa ayun lang naman ang hanap buhay ni mama na delay ang paghuhulog namin sa kanila at ito ay nakarating na sa korte at doon ay napag-usapan ang lahat. Dahil sa ayaw na namin ng abala kami ay humingi ng tulong sa isang kamag-anak upang mabayaran ang nawalang pera kahit hindi ko naman kinuha. Nakakatawa nga kapag naiisip ko yun kasi puro barya yun paano ko lahat makukuha yun ng isang kuhaan at kung makuha ko naman yun maraming makaka-kita sa akin na kapit bahay namin kasi sa lugar namin ay hindi nauubusan ng tambay. Hanggang sa nalaman namin bandang huli na yung asawa pala ni ate rose ay nagda-drugs. At hinala nila kahit mismo ang asawa nito ay siya ang gumawa ng bagay na yun at hinihinalang ito ay isang insidejob. Kaya kami pinapasa diyos na lang namin ang nangyari.


No comments:

Post a Comment